25th Christmas Overnight Celebration ni Yahweh El Shaddai na Ginanap sa Amvel City, San Dionisio, Parañaque City, Philippines. December 20-21, 2008.
Biyernes ng Gabi December 19, 2008 8:30pm ng ako po ay sumakay papuntang Amvel City. Damang dama po namin ang kagalakang dulot ng Christmas Overnight Reunion… Purihin ang Diyos na Buhay!
Ipinanganak si Brother Joy noong October 23, 1972 araw ng Linggo.
Oh Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Maraming maraming salamat po Panginoon sa Buhay na Taglay ko po Ngayon, Salamat po oh Diyos sa Isang Taon na Lumipas Hindi mo po ako Pinababayaan, Ang IYO pong Pagkalinga ay palagi pong Naririyan, Ang IYONG mga Biyaya at Pagpapala ay Patuloy Mong Ibinubuhos sa Amin at Tinatamasa Namin, Maraming Maraming Salamat po oh Diyos, Hindi sapat ang mga salitang ito upang Ikaw ay Aming Pasalamatan sa lahat ng Kabutihan MO sa Amin, Kaya oh Diyos ang lahat ng Parangal, Papuri, Pasasalamat at Pagluwalhati Tanging sa IYO lamang oh Diyos na Makapangyarihan sa Lahat Aking Ibinabalik sa Pangalan ni JESUCRISTO na Aking Panginoon at Tagapagligtas Nabubuhay at Naghahari Noon, Ngayon Kasama MO at ng Espiritu Santo Magpasawalang Hanggan… Amen and Amen!
Sa Ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.
Thank You Father GOD, Thank You Jesus, Thank You Holy Spirit.
Sa Wakas! Napapakinggan na rin po ang DWXI sa Internet via EradioPortal.com, Nagsimula po itong Mag-Online last Evening of October 13, 2008.
Ang laki po ng aking pasasalamat sa Panginoong Diyos sa pangyayaring ito, Sapagkat napakalaki po ng pakinabang nito sa aking Buhay. Palagi po akong naka puwesto malapit sa Computer, kapag bubuksan ko na po ang aking Radyo sa DWXI 1314 kHZ, Maingay po ang Tunog Nito at Hindi Maintindihan, sa aking pakiwari ay dahil po ito sa computer radiation.
Subalit Salamat sa Diyos sa Kanyang Kabutihan at Kapangyarihan!
Ngayon po ay Malinaw na Malinaw Ko Nang Napapakinggan ang mga Salita ng Diyos na Ipinahahayag ni Bro. Mike at ng mga iba pang Ginagamit ng Diyos sa DWXI 1314 kHz thru eRadioPortal.
“ Dalangin ko sa Panginoon na gamitin nya ang Station na ito sa eRadioPortal Upang ang Mabuting Balita ng Kaligtasan ay Maipahayag hindi lamang sa lahat ng Pilipino kundi sa Buong Mundo.”
Recent Comments